^

Bansa

Madriaga ‘di na muna ­ipatatawag ng Justice panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na ipatawag ng House Committee on Justice ang self-confessed bagman na si Ramil Madriaga sa mga susunod na pagdinig kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Chairman ng House Committee on Public Accounts at miyembro ng Justice panel, nakapagbigay na ng testimonya sa panel si Madriaga nitong Abril 14.

Dalawang affidavit din ang isinumite ni Madriaga sa Justice panel kabilang ang supplementary affidavit na naglalaman ng mga alegasyon nito kay VP Sara sa pagde-deliver ng limpak-limpak na confidential funds sa iba’t-ibang recipients at mga piling lokasyon sa bansa.

Ayon kay Chua, ang nakasalang sa susunod na pagdinig sa Abril 22 ay si dating Senador Antonio Trillanes IV, mga opisyal ng Anti Money Laundering Council (AMLC ) at iba pa.

Aniya, nasagot na ni Madriaga ang mga katanu­ngan na nais nilang alamin dito bilang dating naging malapit at umano’y bagman ni VP Duterte.

Isiniwalat ni Madriaga na siya umano ang nangolekta ng pondo para kay VP Duterte noong kasalukuyan pa itong tumatakbo sa nasabing posisyon na ka-tandem ng noo’y kandidatong Pangulong si Ferdinand Marcos Jr.

Ang pondo ay ginamit sa Initiative for Social Justice, Innovation and Progress Pilipinas (ISIP), isang non-profit na organisasyon na binuo at ang kahulugan ay “Inday Sara Is My President.

RAMIL MADRIAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with