^

Bansa

Super typhoon nagbabantang pumasok sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang aktibong tropical cyclone ang namataan ng sa labas ng Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) na inaasahang magiging isang Super Typhoon oras na ito ay pumasok sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo sa labas ng PAR ay namataan sa layong 2,845 kilometro silangan ng northeastern Mindanao taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.

Oras na pumasok ito sa PAR, ang bagyo ay tatawaging Caloy.

Sa kasalukuyan, ang naturang bagyo ay wala pang epekto sa ating bansa laluna sa Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, may tsansang magbago ng direksyon ang bagyo pero may mababang tsansa na bumagsak sa lupa.

Kahapon ng umaga, ang ridge of a high pressure area (HPA) ay nakakaapekto sa Northern at Central Luzon samantalang magdadala ng mga pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa ang localized thunderstorms.

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with