ChariTimba sa DAWN: Tulong ng PCSO sa kanyang kasangga

MANILA, Philippines — Ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan ng corporate social responsibility (CSR) program nito ang mahahalagang mga pangangailangan sa kabalikat niyang Development Action for Women Network (DAWN) sa isang seremonya noong Marso 18 sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Nanguna sa seremonya si PCSO Board Director Jennifer Liongson-Guevara habang kumatawan sa DAWN si executive director Carmelita Nuqui.
Ang DAWN ay kabilangn sa mga partner institution ng PCSO sa ilalim ng Institutional Partnership Program (IPP) ng ahensiya.
Sa naturang seremonya, tinanggap ng DAWN ang kabuuang 200 ChariTimba food packs, 150 hygiene kits, at 150 Safety Preparedness Kits para sa mga benepisyaryo nito sa Padre Faura, Manila.

Ipinahayag ng organisasyon na ang mga donasyon ay pangunahing ibibigay sa mga babaeng overseas Filipino worker na biktima ng pang-aabuso at sa mga biktima ng human trafficking. Layunin nitong tugunan ang kagyat nilang pangangailangan at pangmatagalang kapakanan.
Bahagi din ito ng mga aktibidad sa paggunita sa National Women’s Month na nagdidiin sa patuloy na pagsisikap na mabigyan ng lakas at proteksiyon ang kababaihan lalo na ang mga mahihina at mahihirap na sektor.
Pinagtitibay ng PCSO sa inisyatibang ito ang hangarin nitong makapagbigay ng makahulugan at tumutugong tulong sa pamamagitan ng CSR program nito lalo na sa mga katuwang nitong institusyon na kumikilos para sa kapakanan, pangangalaga at pagbabangon ng napapabayaang mga komunidad.
Editor’s Note: Ang press release na ito para sa PCSO ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar.com.
- Latest


















