Pinas ‘di mauubusan ng suplay ng langis

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi mauubusan ng supply ng langis ang Pilipinas sa gitna ng nangyayaring gulo sa Middle East.
Ayon sa Pangulo, mayroong sapat na stock ang bansa sa loob ng 45-araw at matapos ito ay inaasahan ang pagdating ng mga produktong petrolyo.
“We can be sure that at least for 45 days we will be alright. I think that we can be fairly confident, we can be confident that after the 45 days… we will already have a flow of oil not just one delivery, not just two deliveries but a flow of petroleum and petroleum-related products,” sabi ng Pangulo.
Patuloy anya ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga katabi at kaibigang bansa tulad ng Japan, China, South Korea, India at Russia para masiguro na may sapat na suplay ng gasolina, diesel at kerosene at hindi ito magiging problema.
Aminado naman ang Pangulo na malaking pangyayari ang pagtaas ng presyo ng langis at mahirap gawan ng paraan dahil walang kontrol dito ang gobyerno.
Pero binigyang diin ng Pangulo na lahat ng uri ng produktong petrolyo ay hinihingi na ng Pilipinas para masiguro ang seguridad sa langis.
- Latest





















