VP Sara inimbitahan na ng Kamara
MANILA, Philippines — Inimbitahan ng House committee on justice si Vice President Sara Duterte na dumalo sa pagdinig ng impeachment complaint na itinakda sa susunod na linggo, Marso 25.
Sinabi ni Batangas 2nd district Rep. Gerville Luistro, chairman din ng panel, na ipinadala ang imbitasyon sa Bise Presidente nitong Marso 19, kaugnay sa dalawang impeachment complaint na nag-aakusa sa kanya ng betrayal of public trust, culpable violation of the constitution at iba pa.
“We respectfully invite you to personally attend the said meeting in your capacity as the respondent in the impeachment complaints file by Reverend Father Joel Saballa, et. Al and Atty. Natahniel G. Cabrera”, saad ni Luistro.
Nabigay din aniyang ng contact persons, numbers at iba pang contact details ang kongresista kay VP Sara sakaling kumpirmahin niya ang pagdalo at iba pang katanungan tungkol dito.
“Thank you and we look forward to your participation in the meeting”, ayon pa kay Lusitro.
Kinumpirma naman ng abogado ni VP Sara na natanggap na ang imbitasyon mula sa komite kaugnay sa attendance nito, subalit hindi pa niya natatanong ang kanyang kliyente tungkol dito.
Nilinaw naman ni Luistro na nasa Bise Presidente lang ang desisyon kung dadalo siya sa hearing at hindi siya maaaring pilitin na sumipot.
- Latest















