^

Bansa

Inilatag na isyu sa senado luma na - INC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinanindigan ng Ipilan Nickel Corporation (INC) na mali ang mga impormasyon na inilatag ni Vice Mayor Mary Jean Feliciano ng Brooke’s Point, Palawan sa pagdinig ng Senado noong Marso 9, 2026,

Ayon sa INC, ang mga inilahad ni VM Feliciano sa pagdinig ng komite sa Senado na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ay pawang mga lumang isyu na.

Kabilang sa nilinaw ng INC ang umano'y pagkansela sa Mineral Protection Sharing Agreement (MPSA), na sa katunayan ay na-renew na ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pinapayagang mag-operate ang kumpanya hanggang 2043.

Nananatili rin umanong balido ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng INC batay na rin sa inilabas na report ng DENR noong 2020.

Sinang-ayunan din umano ng Indigenous People Certification Precondition na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), matapos ang isang mahigpit at transparent na proseso ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC), taliwas sa mga naging pahayag ng bise alkalde.

Maging ang alegasyon na pinaghahati-hati ang mga Indigenous People sa mga affected area ay pinabulaanan din.

Katunayan anila, ang nagkakaisang posisyon ng IPDO - BICAMM sa pagpapatupad ng mga programa para sa kaigihan ng IP community gamit ang pondo mula sa royalty shares sa paggamit ng ancestral domain.

Ayon pa sa kumpanya, patuloy na sumasailalim ang INC sa mahigpit at regular na pagsisiyasat sa pamamagitan ng Multipartite Monitoring Team (MMT) na binubuo ng mga kinatawan mula sa DENR, Mines and Geosciences Bureau (MGB), kinatawan mula sa LGU ( Barangay at Munisipyo), IP representative at Non Government Organization.

Inilahad din ng INC ang opisyal na resulta ng imbestigasyon ng MGB, sa nangyaring  pagbaha noong 2023 ay dulot ng hindi pangkaraniwang lakas ng ulan at pagkababad ng lupa, at hindi ng pagmimina.

Wala rin siyentipikong ebidensya ang mga paratang ukol sa polusyon sa tubig, irigasyon, at mga sakahan at reklamo sa pagpuputol ng puno ay ibinasura ng korte.

Samantala, si dating DENR Secretary Maria Antonia Loyzaga ay una ng nagpahayag na compliant ang INC.

CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with