^

Bansa

Mining firm nag-ambag ng higit P2 bilyon sa gobyerno

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng isang mining company na umabot na sa mahigit P2-bilyong buwis, royalties at iba pang bayarin at lumikha ng mahigit libong trabaho sa Brooke’s Point, Palawan ang kanilang naiambag.

Sa isang pulong-balitaan sa Pasay City, ibinahagi ng Ipilan Nickel Corporation, subsidiary ng Global Ferronickel Holdings, Inc. (FNI) na nasa P1.684 bilyon ang napunta sa national government, at P267.6 milyon sa lokal na pamahalaan at P115.6 milyon royalties sa Indigenous People mula 2022 hanggang 2025.

Ang buwis ay sa pamamagitan ng pagbabayad sa Bureau of Internal revenue, Bureau of Treasury, DENR at mga field offices nito, Philippine Ports Authority kaugnay sa paggamit ng mga pantalan at pag-aambag sa Social Development and Management Program (SDMP).

Bukod sa pinansyal na kontribusyon, nakalikha rin ang INC ng mahigit 1,000 trabaho. Noong Pebrero 2026, ang kanilang workforce ay may 1,011 empleyado at kontratista, kung saan 889 (87.93%) sa mga ito ay nagmula sa Brooke’s Point, partikular sa mga apektadong barangay. Ang mga kontribusyon na ito ay nagpapakita ng kanilang suporta sa pambansang pag-unlad at pagpopondo sa imprastraktura, pamamahala sa kapaligiran, serbisyong panlipunan, at programa sa pag-unlad ng ekonomiya.

MINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with