^

Bansa

3 Pinoy ‘spy’ ng China, inaresto

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng National Security Council (NSC) ang pag-aresto sa tatlong Pinoy na nagsisilbing ‘tiktik’ ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay NSC Spokesperson Assistant Director General Cornelio Valencia Jr. ang mga dinakip ay tauhan ng Department of Defense na isang assistant, researcher mula sa Philippine Navy at  isang malapit  sa opisyal Philippine Coast Guard.

“Iyong mga nakuhang information include list of personnel of the Philippine Navy, so iyong mga datos about sa mga officers natin na engaged dito sa West Philippine Sea and then operational details and data like RoRe missions, timings,” wika niya.

Sinabi ni Valencia na nadiskubre ang pag-eespisya ng tatlo sa isinagawang intelligence operations ng bansa hanggang sa umamin na espiya sila ng China.

Paliwanag ni Valencia, nire-recruit ng China ang mga Pinoy na maraming hinaing sa buhay, problema sa trabaho at may personal problems.

“And most of all, hinahanap nila lalo na iyong nangangailangan ng pera – the allure of money is really blinding. So, at times you forget your national soul in exchange for 30 silvers,” dagdag pa ni Valencia.

Gayuman tiniyak ni Valencia na hindi nagtagumpay ang tatlo sa kanilang pag-eespiya.

Pinag-aaralan na rin umano ng kanilang legal department ang mga posibleng kaso na isasampa laban sa tatlo.

Kaugnay dito, ­pinayuhan ng Malakanyang ang mga ahensiya ng gobyerno na bantayan ang kanilang mga tanggapan o opisina.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na dapat protektahan ang mga sensitibong impormasyon ng pamahalaan at siguruhin na hindi makokompromiso ang mga ito na maaaring magdulot ng banta sa pambansang seguridad.

Tumanggi naman ang NSC na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nagsisilbing Chinese Intelligence.

NSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with