^

Bansa

Suntay tinapik ni Hontiveros sa ‘Bawal Bastos’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Suntay tinapik ni Hontiveros sa ‘Bawal Bastos’
Senator Risa Hontiveros on March 2, 2026.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pahayag ni Rep. Bong Suntay na walang malisya nang aminin niya na ‘nag-init’ siya ng makita si Anne Curtis, ipinaalala ni Sen. Risa Hontiveros sa mambabatas ang Bawal Bastos Law o Republic Act 11313.

Ayon kay Hontiveros, ang mga statement na may sexual comments at suggestion ay may katapat na parusa.

Sinabi pa ni Hontiveros na nakababahala ang paggigiit ni Suntay na walang mali sa kanyang sinabi.

“Ang mas nakababahala, patuloy pa niyang iginigiit na walang mali sa kanyang sinabi. The Representative must be reminded that under the Bawal Bastos Law, which I authored, gender-based harassment is punishable. Statements of sexual comments and suggestions can be penalized,” ani Hontiveros.

Sinabi rin ni Hontiveros na bilang mambabatas ay dapat alam ni Suntay ang batas at siya mismo ay sumusunod dito.

Nauna rito, iginiit ni Hontiveros na dapat mag-sorry kay Anne Curtis si Suntay.

Bagaman at napaulat na nag-sorry si Suntay sa mga na-offend sa kanyang sinabi, pinanindigan nito na walang malisya sa kanyang sinabi.

Idinagdag ni Hontiveros na hindi dapat hayaang maging normal ang kabastusan at dapat manindigan para sa kababaihan lalo pa’t ipinagdiriwang ngayong buwan ang Women’s Month.

BONG SUNTAY

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with