^

Bansa

Palasyo: 4-day work week pag-aaralan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa ang Palasyo na pag-aralan ang mungkahing 4-day work week bilang bahagi ng mga hakbang sa pagtitipid sa enerhiya, sa gitna ng inaasahang epekto sa bansa ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Casto na maaari itong pag-aralan ng pamahalaan lalo na kung mas lalala pa ang sitwasyon sa Gitnang Silangan.

Nilinaw naman ni Castro na sa ngayon ay wala pang pormal na talakayan tungkol sa nasabing panukala.

Ang 4-day work week at work from home arrangement ay ipinatupad na noon sa ilang tanggapan ng pamahalaan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nauna na rin sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may direktiba na siya sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at sa publiko na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid sa enerhiya.

PALASYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with