Suweldo ni Bato tuloy – Lacson
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtanggap ng suweldo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kahit hindi na ito pumapasok simula noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, hindi pa naman nadi-dismiss si Dela Rosa kaya tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanya ng suweldo.
Sa panayam sa DZBB, ipinaliwanag ni Lacson na maaari namang matanggal ang isang senador sa pamamagitan ng ethics committee kung grave yung offense, idi-dismiss siya o kaya final conviction sa court o kaya perpetual disqualification sa public office.
Puwede naman aniyang tingnan ng Senado ang kanilang rules o panuntunan kaugnay sa isyu ng pagliban ni Dela Rosa.
Kabilang sa inaasahang tatalakayin sa caucus ng mga senador ngayon (Lunes) ang pagliban ni Dela Rosa.
“(May rules) kami ‘pag continuous absence sa committee, nawawala ang membership sa committee.
Matatandaan na nagtago na si Dela Rosa matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng “war on drugs” ng nakaraang administrasyon.
- Latest



















