^

Bansa

Sakura tree namulaklak sa Baguio matapos ang 7 taon

Philstar.com
Sakura tree namulaklak sa Baguio matapos ang 7 taon
The Baguio Country Club witnesses its first Sakura or Japanese cherry blossom
Baguio Country Club via Facebook

MANILA, Philippines — Namukadkad na sa wakas ang isa sa mga Sakura tree sa isang pribadong resort sa Baguio, halos pitong taon matapos itong itanim.

Ibinahagi ng Baguio Country Club sa social media nitong weekend na namulaklak ang isa sa kanilang mga Sakura tree matapos ang matagal na pag-aalaga.

“Encouraged by Baguio’s cool climate, similar to the conditions Sakura trees need to thrive, its delicate blossoms have quietly emerged, marking a rare and meaningful moment,” ayon sa pahayag ng resort.

Ang mga puno ay donasyon ng mga Japanese nationals na sina Shinji Okomora at Shigeru Tsunashima, kasama ang club member na si Paz Suzuki, noong Hunyo 2018 at Mayo 2019.

Ayon pa sa resort, inaabot ng maraming taon bago mamulaklak ang mga Sakura tree, kaya’t ang unang pamumulaklak nito ay daw "buhat ng tiyaga, kalikasan at panahon," at isang paalala na may mga tanawing sulit hintayin.

Kilala ang Sakura o Japanese cherry blossoms sa kanilang kulay rosas na bulaklak at dinarayo tuwing blooming season sa Japan tuwing Marso at Abril.

Mahirap palaguin ang Sakura sa Pilipinas dahil sa klima, kaya’t bihira ang matagumpay na pamumulaklak nito.

Mayroon ding cherry blossoms sa Atok, Benguet, mga 50 kilometro mula sa Baguio. Samantala, ang lokal na bersyon na Balayong o Palawan cherry ay matatagpuan sa Palawan, Cavite, at Bonifacio Global City.  — Base sa ulat ni Kristofer Purnell

BAGUIO

BAGUIO COUNTRY CLUB

CHERRY BLOSSOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with