Laguna jail ready na kay Atong
MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Miyerkules na nakahanda na ang district jail sa Sta. Cruz, Laguna para i-accommodate ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, sakaling iutos ng korte.
“In the case of Atong Ang po, ang nag-order ho kasi sa kanya na korte ay Sta. Cruz, Laguna. Ang pinakamalapit po nating facility doon ay Sta. Cruz District Jail at handa naman na po ito,” sabi BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Joseph Bustinera.
“Bagaman ito ay isang lumang piitan, nasa 699-percent congestion rate po ito, kaya pa rin naman daw po mag-accommodate… ‘Yun po ang utos ng korte, kailangan ho naming sundin,” pahayag niya sa state-run media PTV.
Gayundin, aniya ang mga piitan sa Batangas at San Pablo, Laguna, na potensyal na maging kulungan ni Ang, dahil ang iba pang nakabinbing kaso kaugnay sa mga nawawalang sabungero.
“We’re also monitoring the fact na may mga pending cases pa ho in Batangas and San Pablo, Laguna na nakahanda na rin ho ang ating mga facilities,” ani Bustinera.
- Latest


















