PANOORIN: Mayon Volcano, nagbuga ng 16 pyroclastic density currents
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng 16 na magkakahiwalay na pyroclastic density currents (PDC) ang Bulkang Mayon mula 12:26 p.m. hanggang 4:30 p.m. ngayong Miyerkules, Jan. 7, ayon sa Phivolcs.
Nagmula ang mga PDCs na ito sa pagguho ng lava dome mula sa tuktok ng bulkan.
Nananatili ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon. Pinagbabawalan din ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone nito.
Itinaas ang Alert Level 3 ng Phivolcs nitong Martes, Jan. 6, dahil sa pagtaas ng aktibidad ng bulkan.
Ipinapahiwatig nito ang mas mataas na posibilidad ng mapanganib na pagsabog, matapos maobserbahan ng Phivolcs ang mga magmatic eruption sa lava dome sa tuktok, kasama ang mas mataas na panganib ng lava flows at mapanganib na pyroclastic density currents.
- Latest























