PANOORIN: Computer ni Cabral idadaan ng Ombudsman sa forensics
MANILA, Philippines — Nilinaw ng Office of the Ombudsman na bahagi lamang ng tinaguriang “Cabral files” ang naipakita sa mga imbestigador habang buhay pa si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral, taliwas sa mga pahayag na buo na itong naisumite.
Sa isang video statement nitong Lunes, December 29, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na nakipag-ugnayan ang kanilang tanggapan kay Rep. Leandro Leviste bilang bahagi ng pag-iingat at pagsunod sa tamang proseso.
Gayunman, ayon kay Clavano, limitado lamang ang mga dokumentong ipinakita kahit pa hiniling na ma-access ang buong set ng tinaguriang “Cabral files.”
Inihahanda na rin ng Ombudsman ang isang forensic examination sa computer CPU ni Cabral, katuwang ang Commission on Audit, DPWH, at ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.
Lumutang ang “Cabral files” matapos igiit ng ilang mambabatas na naglalaman umano ito ng ebidensiya laban sa mga opisyal at contractor. — Base sa ulat ni Ian Laqui
- Latest
























