^

Bansa

Chavit may pasabog sa flood control scam!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Chavit may pasabog sa flood control scam!
Ito ang mariing banta ni dating Ilocos Sur Go­vernor Chavit Singson na nagsabing may pasabog siya sa bagong taon hinggil sa kaniyang nalalaman sa flood control scandal.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Humanda na ang ­tatamaan!

Ito ang mariing banta ni dating Ilocos Sur Go­vernor Chavit Singson na nagsabing may pasabog siya sa bagong taon hinggil sa kaniyang nalalaman sa flood control scandal.

Sa isang television interview, iginiit ni Singson na hindi lamang ang mga kontratista at engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dapat ma­nagot kundi ang mismong mastermind sa korapsyon sa flood control projects.

Aminado naman si Singson masama at masakit ang isyu sa flood control scandal matapos mabunyag ang sabwatan at garapalang korapsyon bagaman hindi pa aniya nasasapul ang mastermind.

Una nang lumutang sa imbestigasyon ng Senado at Kamara na ilang mga Kongresista umano at Senador ang nagkakamal ng kickbacks sa flood control projects kung saan nagkakaroon ng pagsisingit ng alokas­yon sa national budget na naging masamang kalakaran sa loob ng mga nakalipas na taon.

“Masama talaga ang nangyayari sa ating bansa, ang nadedemanda yung nagamit nila, okey lang kasuhan nila pero yung gumawa, yung mastermind yun ang dapat hanapin,” ani Singson.

Sinabi nito na halimbawa na lamang ­aniya ang mag-asawang kontraktor na sina Pacifico “Curlee” Discaya at ­Czesarah “Sarah” Discaya kung saan sa loob ng 3 taon ay nakakuha ng P34 bilyong proyekto pero ang mga ito ang nakasuhan kung saan nakulong pa si Sarah gayong ang mastermind na nagkamal sa korapsyon ay patuloy na nakakalaya.

Idinagdag pa ni Singson na hindi umano maganda ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung saan nag-iisa na lamang dito si Chairman Andres Reyes.

“Sa awa ng Diyos mahuhuli rin yang mastermind, I’m dead sure ma­rami na katibayan, i-explain ko lahat sa Bagong taon, para maliwanagan lahat,” ani Singson na sinabing iba ang kaniyang pasabog sa 2026.

Chavit may pasabog sa flood control scam!

JOY CANTOS

CHAVIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with