PANOORIN: Bishop Ambo umapela: Bilisan ang kaso sa flood control scam
MANILA, Philippines — Nanawagan si Caloocan Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David sa administrasyong Marcos na pabilisin ang paghahain ng mga kaso laban sa mga umano’y sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng bayan at sa mga maanomalyang flood control projects, sa gitna ng malawakang rally nitong November 30.
Ayon sa kaniya, mahalagang managot ang mga responsable upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Binigyang-diin ni David, na presidente ng Catholic Bishops Conferene of the Philippines, na ang mabagal na pag-usad ng mga imbestigasyon at kaso ay lalo lamang nagpapalalim ng pagkadismaya ng mga mamamayan sa isyu ng katiwalian.
Kasabay ito ng patuloy na pagbusisi sa ilang proyekto ng gobyerno na iniulat na may iregularidad sa paggastos. — EC Toledo; Video by Martin Ramos
- Latest























