^

Bansa

Government contractors hirit idiskuwalipika sa Partylist nominees

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang korapsyon sa infrastructure projects, itinutulak ng Makabayan bloc na idiskuwalipika ang mga kontraktor ng gobyerno na mapabilang sa Partylist nominees.

Kasunod ito ng inihaing House Bill (HB) No. 6193 o ang Partylist System Act dahil ginagamit umano ang Partylist para makakopo ng mga infrastructure projects ng gobyerno.

Ayon sa Makabayan bloc, inihain nila ang nasabing panukalang batas sa gitna na rin ng alegas­yon na isang incumbent partylist member at isang nagbitiw na dating kinatawan ng partylist ang sangkot sa maanomalyang infrastructure projects.

Alinsunod sa HB 6193, bawal ring makilahok ang mga dating Vice Mayors, Vice Governors, Governors, Kongresista, Senador, Vice President at President sa Partylist Groups bilang kanilang mga kinatawan sa Kongreso.

Saklaw din sa pagbabawal ang mga indibidwal na kapamilya at kaanak ng mga opisyal ng gob­yerno hanggang ikaapat na degree; mga nagsisilbi sa posisyon ng Bureau Chief, mga dating Provincial Police Directors, AFP Battalion Commanders at iba pang matataas na posisyon sa gobyerno.

Gayundin ang mga personalidad na mas mataas pa ang suweldo kaysa mga kinatawan ng Partylist sa Kamara.

Kasama rin sa panukala na ang mga nominee ay dapat magmula sa marginalized sectors o hanay ng mahihirap.

MAKABAYAN

PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with