DOH: Ligtas pa ring kumain ng karne ng baboy
MANILA, Philippines — Ligtas pa ring kumain ng karne ng baboy.
Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) kahapon matapos na ilang baboy na ipinagbibili sa La Loma, Quezon City ang natuklasang positibo sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa DOH, ang ASF ay walang banta sa kalusugan ng tao dahil ito ay nakukuha lamang ng baboy, sa kanyang kapwa baboy, gayundin sa kontaminadong pagkain at kagamitan.
Anang DOH, dapat na tandaan na hindi naman nakukuha ng tao ang ASF, kaya wala itong panganib na dulot sa kanilang kalusugan.
“Ligtas pa ring kumain ng karneng baboy,” ayon pa sa DOH.
Matatandaang ipinasarado ang ilang litsunan sa La Loma dahil sa ASF.
- Latest


















