^

Bansa

NTF-ELCAC umapela sa CA sa kaso ng CTG-Linked Funds

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Court of Appeals (CA) na muling pag-aralan at baligtarin ang kamakailang desisyon nitong nagpawalang-bisa sa forfeiture ng P557,360 na nakuha mula kina Frenchie Mae Cumpio at Mariel Domequil—pondong mariing iginigiit ng pamahalaan na direktang konektado sa pagpapadaloy ng pondo para sa operasyon ng Communist Terro­rist Group (CTG) sa Silangang Visayas.

Sa inter-agency meeting na pinamunuan ni Justice Angelita V. Miranda, nagkasundo ang mga kinatawan mula sa Office of the Solicitor General (OSG), Anti-Money Laundering Council (AMLC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Intelligence Service of the AFP (ISAFP), at Department of Justice–National Prosecution Service (DOJ–NPS) na gamitin ang lahat ng ligal na paraan upang ipagtanggol ang posisyon ng pamahalaan. Nangako ang OSG na magsusumite ng Motion for Reconsideration sa CA, kalakip ang karagdagang intelihensiya at ligal na batayan.

Nauna nang nakakuha ang AMLC ng paborableng desisyon mula sa Manila Regional Trial Court (RTC) na nagtakdang dapat i-forfeit ang nasabing halaga matapos suriin ang intelligence reports, financial analyses, at mga sinumpaang salaysay na nag-uugnay sa pera sa CPP–NPA, isang itinalagang terrorist organization alinsunod sa Republic Act No. 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Subalit, binaligtad ng CA ang natu­rang hatol na ayon sa NTF-ELCAC ay isang hakbang na hindi umanong kumikilala sa malinaw na layunin ng batas.

Binigyang-diin din ng pamahalaan na ang mga operasyon ng law enforcement noong 2020, na nagresulta sa pagkakasamsam ng naturang halaga, ay nagbunga rin ng pagkakumpiska ng mga armas, pampasabog, at iba pang paraphernalia. Ito ang dahilan kung bakit nakasuhan ang mga respondents ng apat na kaso ng illegal possession at isang kaso ng terrorism financing—na kasalukuyang dinidinig sa RTC Tacloban City.

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with