^

Bansa

Rep. Ordanes natatanging senior citizen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa sa tinanghal na natatanging senior citizens mula sa iba’t ibang panig ng bansa si Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa paggunita ng Elderly Filipino Week sa QC MICE Convention Center, kamakailan.

Dalawampu’t dalawang senior citizens sa Pilipinas ang kinilala at pinarangalan dahil sa mga natatanging kontribusyon sa bansa.

“Sila ang mga indibidwal na patuloy na pinatutunayan na hindi hadlang ang edad para patuloy na makagawa ng mga mahahalagang bagay sa komunidad,” ani Ordanes.

Idiniin ng mambabatas na napakahalaga ng senior citizens sa pagbuo ng pamayanan kung saan tunay na nararamdaman ang malasakit at pagpapahalaga sa kapwa.

Siyam na senior citizens naman ang ginawaran ng Cong. Jun Datol Natatanging Pagkilala Award dahil sa natatanging ambag sa mga programa ng Senior Citizens Partylist at sa promosyon ng mga karapatan at kapakanan ng nakakatandang populasyon.

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with