^

Bansa

Pinoy nadamay sa Louis Vuitton heist sa Chicago, todas!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang Pilipino nang mabangga ng mga suspek na tumatakas matapos ang pagnanakaw sa Louis Vuitton sa Magnificent Mile, Chicago.

Ayon sa ulat ng Fox32 Chicago, normal na nagmamaneho si Mark Arceta, 40, patungo sa kanyang trabaho sa isang local hospital nang banggain ang kanyang sasakyan ng mga tumatakas na suspek.

Sinabi sa ulat na halos 100mph ang takbo ng sasakyan ng mga suspek na nanloob sa Louis Vuitton store sa Michigan Avenue nang mangyari ang aksidente.

Iniulat din na umabot sa $700,000 merchandise ang natangay ng mga suspek.

Sinabi ng kinakasama ni Arceta na si Roanne Masangkay na hindi kaagad ipinaalam sa kanya ang nangyari dahil siya ay buntis.

Isinilang ang kanilang anak isang araw matapos mamatay si Arceta.

“They did not want to tell me because I’m pregnant. They did not want me to worry. So, I just grabbed the phone, and then I couldn’t believe it,” naiulat na sinabi ni  Roanne Masangkay sa Fox32 Chicago.

Nasa 7 katao ang iniulat na kinasuhan sa nangyaring “smash-and-grab” na nauwi sa fatal crash.

CHICAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with