P355 milyong insertion sa 2025 budget totoo – Lacson

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Sen. Panfilo Lacson na totoo ang sinabi ni dating Bulacan assistant district engineer Brice Ericson Hernandez na nagkaroon ng P355 milyong insertion sa Bulacan.
Nauna rito, sinabi ni Hernandez sa pagdinig sa Kamara na “nagbaba” ng P355 milyong pondo sa Bulacan ngayong 2025 si Sen. Jinggoy Estrada.
“Si Senator Jinggoy po ay nagbaba ng P355 million ngayong 2025 sa mga ilang projects sa Bulacan,” sabi ni Hernandez.
Ayon naman kay Lacson, alegasyon pa lamang ang tungkol kay Estrada pero pinapa-check na nila sa General Appropriations Act (GAA) kung sino ang naglagay ng pondo para sa Bulacan.
“We also discovered kasi banggit ni Brice Hernandez nagbagsak diumano this is just an allegation..:Senator Jinggoy Estrada sa Bulacan sa…Pina-check ko sa GAA kung may insertion na nagkakahalaga ng P355-M na intended sa Bulacan. And we found one,” ani Lacson.
Totoo aniya ang sinabi ni Hernandez pero ang nasabing pondo ay wala sa bersyon ng budget ng House pero lumabas pagkatapos ng report ng Bicameral Conference Committee (BCC)
Posible raw isiningit ang pondo sa bersyon ng Senado o sa BCC.
Sinabi rin ni Lacson na limang proyekto sa Bulacan ang natukoy na nilagyan ng P355 milyon.
- Latest


















