^

Bansa

Baguhin o ibasura na ang PCAB Law – Tulfo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Baguhin o ibasura na ang PCAB Law – Tulfo
Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, nakasaad kasi sa R.A. 4566 o ang Contractors’ License Law, kung saan nakapaloob ang Philippine Contractors Accreditation Board (pcab), na kailangan contractor ang mga uupo sa board ng PCAB.
KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hindi makapaniwala si Sen. Erwin Tulfo na para maging board of director ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), kailangan maging isang contractor daw muna.

Ayon kay Sen. Tulfo, nakasaad kasi sa R.A. 4566 o ang Contractors’ License Law, kung saan nakapaloob ang Philippine Contractors Accreditation Board (pcab), na kailangan contractor ang mga uupo sa board ng PCAB.

“Papaano nila babantayan, pangasiwaan, o i-regulate ang mga konstruksyon ng proyekto sa bansa kung maayos at hindi substandard o kaya’y ghost project, kung sila mismo ang mga contractor nito?”, tanong ni Tulfo.

Aniya, “malinaw na there is conflict of interest here!”

Kaya naman, maghahain ang naturang mambabatas ng isang resolusyon ngayong Lunes (Sept. 8) para rebyuhin ang RA 4566 at kung kailangan baguhin partikular ang requirement bilang contractor para maging opisyal ng pcab.

“Hindi ko maisip kung bakit naipasa ang batas na ito gayong self-serving ang ilang probisyon nito tulad ng qualification ng board of directors”, anang Senador.

Dalawa sa board of director ng PCAB, sina Engr. Erni Baggao at Arthur Escalante ay nakakuha ng malalaking government projects.

Si Baggao ay nakakuha ng ilang bilyong halaga ng flood control.

Ang chairman nito na sinibak na sa puwesto, si Pericles Dakay, ay isa ring contractor.

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with