^

Bansa

Isyu sa ‘zero billing’ reresolbahin – Pangulong Marcos Jr.

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Isyu sa ‘zero billing’ reresolbahin – Pangulong Marcos Jr.
Patients infected with dengue rest at a hospital ward in Manila on Feb. 19, 2025.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang mga isyung bumabalot sa implementasyon ng zero balance billing system.

Sa kanyang pamamahagi ng mga ambulansya sa Ormoc City, Leyte, sinabi ni Marcos na mayroon siyang mga naririnig tungkol sa karanasan ng ilang pasyente, kabilang dito ang mahabang pila sa mga ospital.

Kaya para masuri kung totoo ang mga naririnig na balita ay personal na nagtungo sa ospital sa Tacloban ang Pangulo para testingin at personal na suriin ang implementasyon ng naturang programa.

Nais din maayos ni Pangulong Marcos ang out patient service kung saan ang pasyente matapos magpatingin at mabigyan ng reseta ay pupunta sa pharmacy at mabibigyan ng libreng gamot.

Bilang bahagi naman ng zero balance billing system, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy ang pag-accredit ng mga botika o pharmacy para hindi na bibili ng mga gamot ang mga pasyente.

Nauna nang sinabi ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 28 na sasagutin ng mga DOH hospitals ang gastusin ng mga pasyente.

ZERO BALANCE BILLING SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with