^

Bansa

PNP: Walang DNA sa mga buto sa Taal Lake

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP: Walang DNA sa mga buto sa Taal Lake
Philippine coast guard personnel prepare to depart to the site where the bodies of cockfighters were allegedly dumped, in Lake Taal off Talisay town, Batangas province, South of Manila on July 10, 2025.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Walang nakuhang DNA profile sa 91 buto mula sa limang sako na narekober mula sa Taal Lake bilang bahagi ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, posible umanong dahil ito sa matagal nang nakababad sa ilalim ng tubig ang mga narekober na buto at kontaminado na.

“Wala na tayong na-extract accordingly na DNA profile (from the bones). Parang contaminated na… Ang challenge doon dahil matagal na ngang naka-submerge,” saad ni Fajardo.

Ang mga buto ay narekober sa search and retrieval operations sa mga nawawalang sabungero.

Kinumpirma naman ni Fajardo na 3 DNA profile ang nakuha ng PNP sa mga buto na narekober naman sa isang sementeryo sa Batangas.

Sa mga specimen na ito, natukoy na ang mga labi ay mula sa 2 lalaki at 1 babae.

Hindi naman ito tumugma sa 23 DNA samples na hawak nila mula sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Samantala, hindi naman sinasantabi ng PNP na magamit din ang mga DNA sample na nakuha sa mga narekober na buto sa iba pang kaso ng mga nawawala katulad na lang ng sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon at iba pa.

TAAL LAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with