^

Bansa

Isang kaskas lang sa ScratchIt: Fastfood crew nanalo ng P200,000

Pilipino Star Ngayon
Isang kaskas lang sa ScratchIt: Fastfood crew nanalo ng P200,000

MANILA, Philippines — Minsan, isang simpleng kaskas lang ang pagitan ng pangarap at katuparan.

Ganyan ang kuwento ni Mae, isang fastfood crew mula sa Valencia City, Bukidnon. Sa isang ordinaryong araw noong Hunyo 26, habang dumadaan sa isang lotto outlet sa tapat ng Emporium s naturang lunsod, bumili siya ng ScratchIt ticket—at hindi niya alam, iyon na pala ang magiging susi sa kanyang P200,000 na panalo.

“Kinabahan ako, nagulat... halos hindi ako makapaniwala,” kuwento ni Mae.

At gaya ng marami sa atin, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling bahay. Ngayon, dahil sa isang tiket na kinaskas, matutupad na iyon. Ang saya, hindi lang sa premyo—kundi sa biglaang pagbabago ng buhay.

Ito ang mahika ng ScratchIt, ang scratch-card game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Walang komplikadong mekanismo, walang matagal na hintayan. Bumili lang ng ticket, kaskasin ang play area, at kung tumugma ang mga simbolo—instant panalo!

Sa halagang P20, P50 o P100, puwedeng manalo ng hanggang isang milyong piso!

Maraming klase ng ScratchIt cards na puwedeng subukan: Go Bananas, Red Hot 7s, Ruby Riches, Go for Gold 20, Go for Gold 50, at Instant Keno. Bawat isa ay may kani-kaniyang tema, diskarte at premyo kaya bawat laro ay panibagong kilig, panibagong pag-asa.

Pero higit pa sa suwerte, ang ScratchIt ay nagbibigay rin ng tulong. Bahagi ng kita ng bawat ticket ay ginagamit ng PCSO para sa mga programang pangkawanggawa—mula sa medical assistance hanggang educational support. Kaya’t sa bawat kaskas mo, hindi lang ikaw ang puwedeng manalo—nakakatulong ka rin sa libu-libong Pilipino.

Makukuha ang ScratchIt tickets sa mga awtorisadong outlet ng PCSO sa buong bansa: malls, supermarket, lotto kiosks at mga ScratchIt stalls. Hindi mo kailangang planuhin—minsan, sapat na ang pagdaan sa isang kanto para mabago ang takbo ng iyong buhay.

Gaya ng sabi ni Mae: “Maglaro lang nang maglaro, baka suwerte mo na!” Sino ang magsasabi? Baka bukas, ikaw naman ang magkukuwento ng biglaang panalo.

Kaya tara na—kaskas na!

 


Editor's Note: This press release for ScratchIt is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.


 

PCSO

SCRATCHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with