SC kinontra ng Kamara sa articles of impeachment

MANILA, Philippines — Nagsampa ng motion to intervene si Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kahapon kaugnay nang pahayag ng Korte Suprema na labag sa batas ang Articles of Impeachment na naisampa ng 215 miyembro ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa tatlong impeachment complaint, si Cendaña ang isa sa nag-endorse nang unang reklamo na naisampa ng civil society groups laban kay VP Sara noong December 2024.
“The Vice President’s petition is legally unsound. Ang reklamo nila, na-violate raw ang one-year ban on initiating impeachment complaints. Apat ang impeachment complaints na na-file, pero isa lang doon ang initiated, at yun ang verified complaint na ipinasa ng more than 1/3 ng House members,” pahayag ni Cendaña.
Binigyang diin nito na kulang sa merito ang pahayag ng SC para ibasura ang petisyon ni VP Duterte.
Nagbabala rin ito na ang anumang favorable ruling para kay Duterte ay magiging daan ng paghina ng constitutional role ng Kamara sa impeachment.
“It would also show the general public that it has ‘monarchs’ rather than elected officials accountable to them. It will allow the incumbent Vice President to get away scot-free, despite the clear anomalies that she is embroiled in and has failed to explain, and the funds she failed to properly account for,” dagdag ng mambabatas.
Si Duterte ay nais patalsikin sa puwesto dahilan sa umano’y maling panggamit ng kanyang P612.5 milyong confidential funds mula sa Office of the Vice President at Department of Education noong siya ang Kalihim ng ahensiya mula 2022 hanggang 2023.
- Latest




















