^

Bansa

Mga anak na inabandona magulang, parusahan - Ping

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mas patatagin pa ang pamilyang Pilipino, inihain ni  Sen. Ping Lacson ang panukalang ‘Parents Welfare Act of 2025’ na titiyak na hindi iiwanan ng mga anak ang kanilang may edad na magulang sa kanilang oras ng pangangailangan.

Sa panukala, papatawan ng parusa ang mga hindi magbibigay ng suporta na kailangan ng mga magulang.

Bagaman aniya na klaro sa ating Family Code ang obligasyon para suportahan ang magulang, maraming may edad na magulang na hindi na kayang suportahan ang sarili ang iniiwanan ng kanilang mga anak.

Sa panukala ni Lacson, ang magulang na nanga­ngailangan ng suporta ay maaaring maghain ng petition for support sa korte para maglabas ng support order sa mga anak na hindi nagbigay ng suporta.

Ang mga anak na hindi makasunod sa support order ay maaaring patawan ng levy. Kung hindi sila sumunod sa utos ng tatlong sunud-sunod na buwan na walang dahilan, maaari silang ikulong ng isa hanggang anim na buwan at multahan ng P100,000.

Ang inatasang mag-alaga sa magulang at iiwanan sila ay makukulong ng anim hanggang 10 taon at multang P300,000.

PARENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with