^

Bansa

PNR, bibiyahe na muli sa rutang Calamba-Lucena

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibiyahe nang muli ang Philippine National Railways (PNR) sa rutang Calamba-Lucena at pabalik simula ngayong Lunes, Hulyo 14.

Batay sa anunsiyo ng PNR kahapon, nabatid na ang pagbabalik ng naturang biyahe ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para tiyakin ang ligtas at maayos na paglalakbay ng kanilang mga pasahero.

Ayon sa PNR, “Magbababa at magsasakay ng mga pasahero ang tren sa mga istasyon ng Lucena, San Pablo at Calamba, maging sa mga flagstops sa Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong (Lalig), IRRI, College, Los Baños, Masili at Pansol.”

Aabot anila sa mula P15 hanggang P105 ang regular na pamasahe sa PNR mula Lucena hanggang Calamba.

Samantala, ang mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens, na may dalang lehitimong ID ay maaari namang mag-avail ng diskwento at ang kanilang pasahe ay papatak sa P12 hanggang P84 ang kanilang pamasahe.

Matatandaang una nang sinuspinde ng PNR ang biyaheng Lucena-Calamba-Lucena simula noong Hunyo 17, upang bigyang-daan ang pagdaraos ng major repairs sa mga tren na nagsisilbi sa naturang ruta.

Ito’y bahagi umano ng paglilipat ng train sets mula Maynila hanggang Quezon at Bicol upang matiyak ang pagkakaloob ng mas ligtas, mas maaasahan at mas abot-kayang public transportation para sa commuters.

PNR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with