^

Bansa

Calambeño nanalo ng P200,000 sa Scratchit

Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Calambeño nanalo ng P200,000 sa Scratchit
“Masaya ako!” patungkol ng 31-anyos na winner na si Allan Nikko sa kanyang pagkapanalo.

MANILA, Philippines — Isang lalakeng residente ng Calamba, Laguna ang mapalad na nanalo kamakailan ng jackpot na P200,000 sa Scratchit game ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Masaya ako!” patungkol ng 31-anyos na winner na si Allan Nikko sa kanyang pagkapanalo. Madalang lang siyang bumili ng tiket ng Scratchit pero, noong Hunyo 7, 2025, nasorpresa siya nang ang nabili niyang isang tiket sa isang outlet ng PCSO Lotto sa SM-Calamba ay nanalo ng tumataginting na halagang P200,000.

Nabatid na warehouse checker ang trabaho ni Allan Nikko na asahan nang maliit lang ang kinikita kaya, para sa kanya, malaking bagay ang napanalunan niyang pera sa Scratchit dahil kasalukuyang buntis ang kanyang asawa.

“Sakto pang buntis si misis,” bulalas ni Dignadice na nagsabi pang gagamitin niyang panggastos sa opistal sa panganganak ng kanyang asawa ang nakuha niyang P200,000 sa Scratchit.

Ang ScratchIt ay isang scratch-card lottery game ng (PCSO) kung saan puwedeng manalo ng cash prize sa isang kisapmata. Bumili lang ng ticket, kaskasin ang play area, at kapag tumugma ang mga simbolo o numero—panalo agad!

Ilan sa mga sikat na bersyon ng ScratchIt ang Go bananas, Red Hot 7s, Ruby Riches, Go for Gold 20, Go for Gold 50 and at Instant Keno. Ang premyo ay maaaring umabot ng P500,000 o P1,000,000 depende sa ticket. Ang bahagi ng kita mula sa ScratchIt ay napupunta sa mga proyektong pangkawanggawa ng PCSO tulad ng medical assistance, edukasyon, at tulong sa mga mahihirap. Layunin nitong tumulong habang nagbibigay-aliw at pagkakataong manalo ang mamamayan.

Mabibili ang mga ScratchIt ticket sa mga awtorisadong outlet ng PCSO sa buong bansa, gaya ng mga mall, supermarket, lotto outlets, at ScratchIt stalls. Mula P20 hanggang P50 ang halaga ng bawat tiket.

 


Editor’s Note: Ang press release na ito ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar.com.


SCRATCHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with