^

Bansa

Missing sabungeros: Marcos iniutos ang malalimang imbestigasyon

Philstar.com
Missing sabungeros: Marcos iniutos ang malalimang imbestigasyon
Ito ang ibinunyag ng isa sa mga suspek na gustong maging “state witness” sa kaso ng mga missing sabungeros.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa kaso ng 34 nawawalang sabungero, ayon sa Malacañang nitong Martes, Hulyo 2.

Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na nais ng pangulo na matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

“Ipagpatuloy po ang pag-iimbestiga, malalimang pag-iimbestiga para malaman kung sino ba talaga ang sangkot dito at mapanagot ang dapat mapanagot,” ani Castro.

Dagdag niya, may tiwala ang Palasyo na masosolusyonan ang kaso sa ilalim ng umiiral na batas at sistema ng korte.

Nangyaring pagpatay, ibinunyag ng suspek. Kasunod ng utos ng pangulo, lumutang sa media si alyas "Totoy," isa sa mga security guard ng Manila Arena na unang kinasuhan sa pagkawala ng mga sabungero noong 2022.

Sa panayam ng “24 Oras,” inamin ni Totoy na patay na umano ang lahat ng biktima at itinapon sa Taal Lake sa Batangas. Kuwento niya, sinakal gamit ang alambre ang mga biktima dahil umano sa pandaraya sa sabong. — mula sa ulat ni Geraldine Santos

COCKFIGHTING

MISSING

MISSING SABUNGEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with