^

Bansa

Guarantee letters ng DSWD puwede na sa Mercury Drug

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Guarantee letters ng DSWD puwede na sa Mercury Drug
Ang nasabing GLs ay bilang form of payment o pambayad sa mga gamot na maaring magamit sa mga participating branches ng Mercury Drug stores sa buong bansa.
FREEMAN/ File

MANILA, Philippines — Simula ngayong Lunes (Hunyo 2), tatanggapin na ng ilang Mercury Drug stores sa buong bansa ang guarantee letters (GLs) mula sa mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ang nasabing GLs ay bilang form of payment o pambayad sa mga gamot na maaring magamit sa mga participating branches ng Mercury Drug stores sa buong bansa.

Nasa 92 sangay ng Mercury Drugs sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCSKSARGEN, at Caraga ang kikilala sa GL na inisyu ng DSWD upang tulungan ang mga benepisyaryo na makatipid sa pagbili ng mga gamot.

Ang AICS ay naka-target sa mga indibidwal o pamilya na nakararanas ng krisis, trahedya, o matinding kahirapan.

Sa kabilang banda, ang AKAP ay para sa mga indibidwal na kumikita ng mas mababa sa minimum na sahod.

AKAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with