^

Bansa

Mga Pinoy immigrant ipapatapon ni Trump sa Libya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy immigrant ipapatapon ni Trump sa Libya
US President Donald Trump throws pens to the crowd after signing executive orders during the inaugural parade inside Capital One Arena, in Washington, DC, on January 20, 2025.
AFP / Jim Watson

MANILA, Philippines — Tinawag ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero na malupit ang napaulat na plano ng Estados Unidos na ipa-deport sa Libya ang mga Asian immigrant, kabilang ang mga Pilipino.

Umani ng pagkondena mula sa ibang bansa at mga human rights advocate ang nasabing plano ni US President Donald Trump na bahagi ng kanyang campaign promise sa mga mamamayan ng Amerika.

Nabatid na pansamantalang itinigil ng US judge ang deportation proceedings ng mga Asian immigrants kabilang na ang mga Pilipino, sa Libya.

Ayon kay Judge Brian Murphy ng Massachusetts, ang pagpapatapon ng administrasyong Trump sa mga imigrante sa Libya ay labag sa court order na inilabas niya noong Marso.

Ang Libya ay sinasabing may history ng pagiging malupit sa mga detainees.

“Ang mga Pilipino ay hindi mga kamelyo na itatapon sa ilang disyerto ng Libya. Sila ay mga tao na karapat-dapat na bigyan ng lahat ng karapatan ng isang estado na nag-aangking pinahahalagahan at itinataguyod sila,” sabi ni Escudero.

Nanawagan si Escudero kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na suriin ang katayuan ng lahat ng mga Pilipinong nakatakdang i-deport o ilipat sa ibang mga estado at palawakin ang legal na tulong kung kinakailangan.

Tiniyak din ni Escudero na kung nais ng Estados Unidos na i-deport ang mga Pinoy na may problema sa immigration ay nakahanda ang Pilipinas na tanggapin ang mga ito.

IMMIGRANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with