^

Bansa

Batang Salceda ng Albay 3rd District lulunasan problema sa kuryente

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI City, Philippines —  Ipinangako ni Polangui Mayor Raymond Adrian E. Salceda na kung siya’y mananalong Kongresista ng ika-3 distrito ng Albay, aayusin at gagawin niyang moderno ang Albay Electric Cooperative (ALECO) na nananatiling pasanin ng mga Albayano. Ginawa ni Mayor Salceda ang kanyang pangako sa isang ‘business forum’ na inorganisa ng Albay Chamber of Commerce and Industry at Radio Station DZGB.na pinamagatang “Vision for Business: Candidates’ Insights.” Pinuna ng Mayor na sobra na ang paghihirap ng mga Albayano at mga negosyante sa lalawigan sa malimit na ‘brownouts’ at ‘state of emergency’ na dulot diumano ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa Albay. Kung siya’y mananalo, ihahanap niya ng inisyal na P600- milyong pondo ang kooperatiba sa unang turno niya sa Kamara na magiging bahagi ng P1.8-bilyong kailangan ng ALECO para sa ganap na modernisasyon at mabayaran nito ang mga pagkakautang. Suportado naman si Mayor ng kanyang ama na si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na kumakampanya rin ngayon sa pagbabalik-gubernador ng lalawigan.

Ayon kay Cong. Salceda, itutuloy na lamang ni Mayor Salceda ang hakbang na napasimulan na niya sa modernisasyon ng ALECO.

Kasama sa naturang mga paunang hakbang ang pagtatayo ng ilang mga ‘substations’ sa ilang mga bayan ng lalawigan. Sa huling lokal na ‘survey’ ng Pulse Asia, nanguna si Mayor Salceda na nakakuha ng 54%. Bukod sa modernisasyon ng ALECO, nangako din si Mayor Salceda ang suporta niya sa iba pang mapagkukunan ng kuryente gaya ng ‘wind and solar farms’ na pinapayagan naman sa ilalim ng ‘Electric Power Industry Reform Act or Epira Law’ para sa malalaking kumukunsumo ng kuryente gaya ng mga ‘commercial centers and malls’ para bumuo sila ng mga ‘retail electricity suppliers’ o RES.

Nangako din siya na ihanap ng solusyon ang problema sa tubig sa kanyang distrito. Binigyan niya ng diin na dapat protektahan ang mga mamamayan sa mga biglaan at malalaking taas presyo ng tubig dahil maraming paraan para matugunan ang suliraning ito. Kinikilalang ‘visionary’ si Mayor Salceda ng kanyang mga kababayan at lokal na mga lider. Nagsimula siya bilang SK chairman, naging Kapitan ng barangay, at pagkatapos naging Mayor sa loob ng 15 years, at ngayon at Pangulo ng ‘League of Municipalities of the Philippines – Albay Chapter.’

ALECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with