^

Bansa

Maglingkod ng tapat, may integridad – Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang Semana Santa ay paalala sa mga public servant para magsilbi sa publiko nang may katapatan, integridad, at compassion.

Paalala ito ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Palm Sunday.

Kasabay nito ay hinikayat ni Romualdez ang publiko na samantalahin ang Holy Week break para alalahanin ang buhay ni ­Hesukristo kabilang ang naging paghihirap nito at muling pagkabuhay.

Ayon kay ­Romualdez, ang pinagdaanan ni ­Hesus ay paalala na ang katatagan ay natatamasa sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, ang paghilom ay kasunod ng pagpapatawad at kung mayroong pananalig ay mayroong pag-asa.

Umaasa ang house speaker na ngayong Semana Santa ay magkaroon ng kapayapaan ang mga may pag-aalala, kalakasan ang may mga agam-agam at kaginhawaan ang mga nangangailangan.

Hangad ni Romualdez na bawat Filipino ay magkaroon ng makabuluhan, payapa, at puno ng biyaya na paggunita ng Semana Santa.

MARTIN G. ROMUALDEZ

PALM SUNDAY

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with