^

Bansa

Boto ng Bataan nasubi ni Mayor Abby

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inindorso ni Bataan Gov. Jose Enrique Garcia si senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay sa isinagawang Meet and Greet kasama ang mga alkalde, konsehal, at kinatawan mula sa Bataan ngayong Huwebes sa Balanga City. 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Binay na siya ay magiging boses ng barangay at local government units at magsusulong siya ng mga programa para sa ikauunlad ng probinsya at pati ng mga manggagawa at empleyado mula sa pribadong sektor at pamahalaang lokal.

Magiging prayoridad ni Binay sa Senado ang pagbigay ng libreng maintenance medicine lalo na sa senior citizens, better education system sa preschool level, at ang pag-alis ng tax sa overtime at bonus para sa better takehome pay ng mga manggagawa.

ABBY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad