^

Bansa

Harry Roque itinurong nasa likod ng ‘polvoron video’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Harry Roque itinurong nasa likod ng ‘polvoron video’
Ex-presidential spokesperson Harry Roque is in the Hague, Netherlands following the arrest of the former president Rodrigo Duterte for crimes against humanity.
One News via Gretchen Ho / Philstar.com's screenshot

MANILA, Philippines — Inakusahan ng isang social media influencer si dating Presidential Spokesman Harry Roque na nasa likod umano ng kontrobersyal na deep fakes video na nagpapakita ng diumano’y paggamit ng illegal na droga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ako ay naniniwalang si Atty. Roque ang orihinal na pinagmulan ng polvoron video at siya ang nagpakalat nito sa publiko upang sirain ang kredibilidad ng Pangulo,” ayon sa isinumiteng affidavit ni Vicente Bencalo “Peebles” Cunanan sa pagdinig ng House Tri-Comm nitong Martes

“Ang labis ko ding natandaan noong gabing iyon ay nang sabihin ni Atty. Roque na ‘Maga­ling ako magpabagsak ng gobyerno,” wika ni Cunanan.

“Base sa pagkaintindi ko, at dahil iyon ang isa sa mga pinag-usapan ng gabing iyon, ang pagpapakalat ng video na kung saan gumagamit diumano ng cocaine si PBBM ay parte ng sinasabi ni Atty. Roque na pagpapabagsak ng gobyerno,” paliwanag pa nito.

Isiniwalat pa ni Cunanan na ang nangyaring private dinner noong Hulyo 7, 2024 sa Hong Kong ay isinagawa matapos ang pro-Duterte event o ang Maisug Rally kung saan dumalo si Roque, dating executive secretary Vic Rodriguez at influencers Atty. Glen Chong, Atty. Trixie Cruz-Angeles, Dr. Lorraine Badoy, Sass Rogando Sassot, Joie de Vivre at Tio Moreno.

Sa nasabing dinner, sinabi umano ni Roque na natanggap nito ang screenshot mula sa isang kamag-anak ng isang pulitiko kung saan isang lalaki ang pinalabas na si Pangulong Marcos sa paggamit ng cocaine.

Pinag-usapan din umano ng grupo ng nasabing gabi kung paano ipakakalat ang video sa publiko na hindi dapat ma-expose ang kanilang pananagutan.

“Nagkaroon ng mga diskusyon tungkol sa pagpapakalat ng video na ito sa publiko. Ayon sa aking rekoleksyon, mayroon pa ngang naging usapan na isang foreign influencer o vlogger ang dapat mag-post o panggalingan ng video para magmukhang mas kapani-paniwala at upang maiwasan ang anumang posibleng pananagutan mula sa gob­yerno ng ating bansa,” sabi pa ni Cunanan.

Ang Tri-Comm na binubuo ng Committees on Public Order and Safety, Information and Communication Technology at Public Information ay nagsasagawa ng pagdinig tungkol sa fake news at misinformation sa social media.

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with