Año sandigan ng seguridad ng bansa — NTF-ELCAC
MANILA, Philippines — Naging sandigan ng seguridad ng bansa si National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa panahong hinaharap ng bansa ang samu’t saring banta mula sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan at maniobra sa local politics.
Ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), bilang dating pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), dala ni Año ang malawak na karanasan sa larangan ng seguridad, intelihensiya, at pamumuno.
Dala rin niya ang isang matatag na paninindigang inuuna ang kapakanan ng taumbayan at ng Republika, sa halip na pansariling interes o pulitikal na alyansa.
Epektibong isinulong ni Año ang whole-of-nation approach upang mapanatili ang kalayaan at soberanya ng Pilipinas—habang iniiwasan ang direktang pagkakasangkot sa digmaan.
Sa kanyang liderato, pinagtitibay ang ugnayan sa mga kaalyadong bansa at pinaigting ang modernisasyon ng seguridad sa ilalim ng panibagong national security policy.
- Latest