^

Bansa

Atong, Ret. Judge hinamon ni ‘Totoy’ sa lie detector test

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Atong, Ret. Judge hinamon ni ‘Totoy’ sa lie detector test
Charlie “Atong” Ang files criminal charges before the Mandaluyong City Prosecutor's Office on July 3, 2025.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Sabay-sabay tayong magpa-lie detector test!”

Ito ang hamon ni whistleblower na si Julie Patidongan alyas “­Totoy” kina gambling tycoon Charlie “Atong” Ang at Retired Judge Felix Reyes kaugnay ng kaso ng missing sabungeros.

Ayon kay Patidongan, lilitaw sa lie detector test kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo sa pagdukot at pagpatay sa 34 na sabungero.

Aniya, bali-baligtarin man ang pagtatanong sa kanya, iisa lamang ang kanyang isasagot dahil alam niya ang nangyari sa mga sabungero.

Aminado si Patido­ngan na napilitan siyang isiwalat ang totoo dahil na rin sa banta umano ni Ang na ililikida siya kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, nakatakdang magsampa ng kaso bukas sa ­National Police Commission (NAPOLCOM) si Patidongan laban sa mga pulis na sangkot sa kaso ng sabungero.

May hawak na umano ang NAPOLCOM ng listahan ng mga pulis na sinasabing may kinalaman sa pagkawala ng 34 sabungero mula 2021 hanggang 2022.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng NAPOLCOM ang mga pulis na ito para sa kasong administratibo.

ANG

ATONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with