^

Bansa

Presyo ng gulay dapat ding tutukan – Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos isulong ang pagpapababa ng presyo ng bigas, iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na dapat tutukan din ang presyo ng gulay upang matiyak na abot-kaya ang presyo nito kasabay ng pagsiguro na hindi ito ikalulugi ng mga magsasaka.

“Hindi lang bigas ang dapat nating tutukan—paano naman ang gulay? Araw-araw na pangangailangan ito ng bawat pamilyang Pilipino. Kailangan na­ting tiyakin na may sapat, abot-kaya, at masustansiyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat Pilipino,” sabi ni Romualdez.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay akyat-baba ang presyo ng gulay sa bansa. Noong Pebrero 2025, ang average retail price ng kamatis ay bumaba sa P109.94 kada kilo mula sa P158.67 na naitala noong Enero. Tumaas naman ang presyo ng pulang sibuyas na nasa P162.69 kada kilo mula sa P153.70, at ang kalamansi na nasa P86.63 kada kilo mula sa P81.61.

Kabilang sa mga sanhi ng mataas na presyo ng gulay, ayon kay Romualdez ang kakulangan ng agricultural infrastructure, farm-to-market transport, at mga post-harvest facility.

“Mas mataas ang gastos sa produksiyon at pagbiyahe ng gulay mula probinsiya papuntang pamilihan. Mas­yadong maraming middlemen ang kumikita, pero ang magsasaka nalulugi at ang mamimili nagdurusa sa mahal na presyo. Hindi ito makatarungan,” paliwanag ng solon.

MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with