^

Bansa

ABP lalahok sa Fire Prevention Month celebration ngayong Marso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaakibat ng ­masidhing adhikain na “Para sa mas Ligtas na Pinas”, nakikiisa ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa buong buwan ng Marso. May tema ang pagdiriwang na “ ­Pag-iwas. Sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”.

Ang ABP party list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang ­paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay ABP first nominee Jose Antonio “Ka Pep“ Goitia, ang mga miyembro nito na binubuo ng koalisyon ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers, ay walang takot at walang sawang magbibigay ng serbisyo kahit anong oras at handang rumesponde sa lahat ng emergency.

Layunin ng ABP ­partylist na ipaglaban ang pagkakaroon ng mara­ming benepisyo, insurance at medical assistance ng mga miyembro nito dahil sa kasalukuyan ay minimal allowance at walang suweldo na natatanggap kapalit ng serbisyong ­ibinibigay sa mamamayan ng mga itinuturing na mga bayani ng sunog.

ABP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with