^

Bansa

PNP hirap nang marekober bangkay ng American vlogger

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP hirap nang marekober bangkay ng American vlogger
American Elliot Eastman in this screengrab from a video posted on his YouTube channel on Sept. 13, 2024
Screengrab by Interaksyon from ElliotBeastman via YouTube

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na marekober ang bangkay ng  America vlogger na si Elliot Eastman na dinukot, pinatay at itinapon ng kanyang mga kidnaper sa dagat.

Ayon sa Philippine National Police, aminado silang hirap silang matagpuan ang mga labi ni Eastman matapos na kumpirmahin ng isa sa mga suspek na itinapon na ang bangkay nito sa dagat ng Labuan, Zamboanga.

Binaril si Eastman sa katawan at hita nang tangkaing tumakas sa Sibuco town noong October 17, 2024.

Sinabi naman ni Police Regional Office 9 spokesperson Col. Ramoncelio Sawan, isa sa mga ikokonsidera sa pag­hahanap sa bangkay ni Eastman ay ang lawak at lalim ng dagat.

Simula Oktubre nang dukutin si Eastman, walang nakitang palatandaan ang mga awtoridad na buhay pa ang American vlogger.

“Right now po, it’s really hard to tell kung saan at kelan natin mahanap kung meron pa. Kasi po, yung pinaghulugan ng katawan niya is sabi nila, is far from the shoreline tapos the depth of the location aabot sa 900 meters tapos unfortunately nadaanan pa tayo ng recent series ng bagyo. Although mahirap, sinusubukan pa rin nilang hanapin,” ani Sawan.

Si Eastman, 26, ay dinukot sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Sibuco, Zamboanga del Norte  kung saan ito naninirahan kasama ang kanyang asawa.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with