^

Bansa

Kongreso tutulong sa pagpapababa ng presyo ng bilihin – Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kongreso tutulong sa pagpapababa ng presyo ng bilihin – Romualdez
Senate President Chiz Escudero and House Speaker Martin Romualdez answer questions from the media during the joint press conference after the 6th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting in Malacañang on September 25, 2024.
PPA pool photos by Revoli Cortez

MANILA, Philippines — Tutulong na ang Kongreso para mapababa ang presyo ng mga bilihin lalo na sa mga pagkain.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang pagbuo at pagsama-sama ng limang komite ng Kongreso na mag-iimbestiga kung bakit mataas pa rin ang presyo ng mga pagkain gayong mababa naman ang presyo nito sa farmgate at presyo sa pandaigdigang kalakalan lalo na ang bigas.

“Inatasan ko ang Committee on Ways and Means, Food and Agriculture, Trade and Industry, Food Security, at Social Services na alamin kung ang mataas na presyo ng bilihin ngayon ay dikta ng monopolya o smuggling”, ayon kay Speaker Romualdez.

Ayon pa sa lider ng mga kongresista, “halimbawa itong bigas, binawasan na nga ang taripa ng mga imported rice ng pangulo, at mababa din ang presyo sa world market, e bakit hindi bumababa ang presyo dito sa atin”.

Aniya “nasa 50 to 60 pesos pa rin ang kilo ng bigas. Dapat ‘yung savings ng mga ­negosyante naipapasa sa mga mamimili di ba?”

Dagdag pa ni Romualdez, ito raw ang pakay ng “Quinta Committee” para alamin saan o sino ang nakikinabang sa tariff reduction at pagbaba ng presyo ng bigas sa world market, at mababang presyo sa farmgate.

“Wala tayong sasantuhin kung sino man ‘yan ang nasa likod ng pagkontrol ng presyo ng bilihin…ating sasampahan ng price manipulation or smuggling”, dagdag pa ng Leyte Representative.

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with