^

Bansa

Kampanya vs pekeng gamot, suportado ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go, kilalang health reforms crusader, ang Food and Drug Administration (FDA) sa kampanya nito laban sa mga pekeng gamot kasabay ng idinaos na National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine (NCWACM), simula ­Nobyembre 18-22 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang okasyon ay nagsisilbing isang mahalagang paalala ng ibinahaging responsibilidad na protektahan ang kalusugan at kagalingan ng bawat Pilipino.

“Ang ating paglaban sa pekeng gamot ay hindi lamang isang isyu sa kalusugan kundi isang usapin ng buhay at kaligtasan,” sabi ni Go.

Sinabi ni Go na kailangan ang pagtutulu­ngan ng pamahalaan, lokal na komunidad, hanggang sa bawat mamamayan para gawing ligtas at malusog ang lipunan.

“It is only through unity and vigilance that we can build a safer and healthier society for all,” anang mambabatas.

Isa sa naging highlight ng event ay ang pagsisiwalat sa natuklasan ng FDA na 29 tindahan sa Palawan ang nagbebenta ng mga pekeng gamot, habang 74 pekeng produkto ang natukoy.

Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, muling idiniin ni Go ang kanyang pangako na susuportahan ang mas matibay na batas at mga hakbang na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga sangkot sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng gamot.

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with