Iwanan mo na pulitika
Duterte kay VP Sara
MANILA, Philippines — Nanawagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na lisanin na pulitika.
Ginawa ni Duterte ang panawagan sa anak dahil hindi na sila magkasundo ng dating running mate na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi pa ni Duterte na dapat magpasalamat ang anak sa Diyos dahil naging bise presidente ito samantalang siya naman ay naging presidente na bibihirang magyari sa isang pamilya.
“Si Inday, pasalamat ka na lang sa Diyos na ang tatay mo naging Presidente, ikaw naging Vice President. Bihirang-bihira yan, bihira sa isang pamilya. Hindi lahat ng pamilya sa Pilipinas... pasalamat na lang tayo. Now, as fast as you can, get out of politics,” sabi Duterte sa isang press conference kasama ang Davao City-based media.
Nauna rito, kinukuwestiyon ng ilang mambabatas sa House ang paggamit ng pondo ng Office of the Vice-President at DepEd kung saan siya nagsilbing kalihim.
Pinayuhan ni Duterte ang anak na magnegosyo at mamuhay ng mapayapa.
“Maghanap buhay ka, negosyo, basta mabuhay ka lang [ng] mapayapa. Umalis ka na dyan sa politika. Huwag ka na mag-ambisyon, tutal vice president ka na,” ani Duterte.
Pero aminado rin si Duterte na hindi sumusunod sa kanyang payo ang anak na babae.
- Latest