^

Bansa

Mega Manila para mapalawak ruta ng NCR Taxi, apela sa LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsampa ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) upang mapayagan ng ahensiya na mapalawak ang territorial route ng mga NCR taxi sa ilalim ng Mega Manila route.

Sinabi ni LCSP founding President Ariel Inton na panahon na upang gawing Mega Manila ang lawak ng territorial route ng NCR Taxi upang maserbisyuhan ang lumalaking populasyon ng mga commuters na magmumula sa mga karatig lalawigan.

Sa ngayon anya, ang NCR taxi ay hanggang Metro Manila lamang ang sakop na ruta pero kapag may pasahero na nais magpahatid sa karatig lalawigan tulad sa Bulacan, Cavite o Rizal ay hinuhuli na ang mga NCR taxi dahil sila ay sinasabing Out-of-line na.

Sinabi ni Inton na sa ­ilalim ng Mega Manila, ang mga NCR Taxi ay malaya nang makakapaghatid sundo sa mga pasahero sa alinmang lugar sa lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

“Sa paglipas ng panahon, marami ng mga pasahero ang may bahay sa labas ng Metro Manila pero hirap ang mga NCR taxi na makapaghatid papasok o palabas ng metro manila dahil sila ay out-of line na pero kung papayagan ng LTFRB ang ating petisyon na maging Mega Manila ang kanilang ruta, mas makakaalwan ito sa mga pasahero lalo na sa mga commuters na uuwi sa probinsiya ngayong Undas” sabi ni Inton.

Nagpahayag naman ng suporta sa naturang hakbang ang mga operator at driver ng NCR Taxi dahil may malaking hatid na tulong ito para mapalaki ang kanilang kita sa araw araw na pamamasada dahil mas lalawak ang lugar na mapupuntahan nilang ruta.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with