^

Bansa

Planong pag-imbestiga ni Bato sa Duterte drug war, katawa-tawa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Planong pag-imbestiga ni Bato sa Duterte drug war, katawa-tawa
This Facebook post from Oct. 9, 2024 shows Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa during a Senate hearing on Philippine offshore gaming operators.
Sen. Ronald "Bato" dela Rosa via Facebook

MANILA, Philippines — Isa lamang umanong katawa-tawa ang pahayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na magsasagawa ito ng hiwalay na imbestigasyon sa Senado hinggil sa drug campaign ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay Atty. Barry Gutierez, spokesman ni dating vice president Leni Robredo, paano mag-iimbestiga ang isang tao na siya mismo ay may malaking papel sa natu­rang drug campaign.

“Ang lakas talaga magpatawa ni Sen. Eh siya nga ang tinuturo ng mga testigo na may sala e, tapos gusto niya siya ang mag-imbestiga”, sabi ni Gutierez.

Bagama’t hindi umano naisama ni retired Police Col. Royina Garma sa kanyang affidavit si Dela Rosa na nagsangkot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang nasa likod ng drug war killings, ito naman anya ay nasa matrix na naihanda ni Garma at naiprisinta sa quad committee.

Sa matrix, pinagkatiwalaan umano si Dela Rosa nina Duterte na maipatupad ang drug war sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng PNP na binigyan ng reward money para maipamahagi sa mga taong magsasagawa ng drug war killings.

Ang bagay na ito ay pinabulaanan ni Dela Rosa at nagsabing na­kilala niya si Garma dahil malapit siya sa dating Pangulo.

BATO DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with