^

Bansa

Gobyerno dapat mag-invest sa tech, security experts sa halip na rebisahin ang SIM reg law — think tank

Philstar.com

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng isang think tank ang pamahalaan na mag-invest sa technology at security experts para sa laban nito kontra fraudsters, at sinabing hindi sapat ang “palakasin” lamang ang SIM registration law.

Sa isang statement sa Facebook, sinabi ng Stratbase ADR Institute na ang mga kriminal na namamayagpag sa online world at ine-enjoy ang kapangyarihan ng ‘anonymity’ ang resulta ng kabiguang ipatupad ang mga umiiral na regulasyon.

"This is why we believe that merely amending the SIM Card Registration Act, specifically by putting a cap on the number of SIMs any individual can own and register, is not enough to stop the nefarious activities of these scammers," wika ni Stratbase President Prof. Dindo Manhit.

Sinabi rin ni Manhit na ang panukala ng Senado na palakasin ang SIM registration law ay mangangailangan sa huli ng mas mahusay na pagpapatupad ng batas, na siya talagang kailangan nito.

Ayon naman kay Department of Information and Communications Technology (DICT) spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso, ang mga scammer ay gumagamit ngayon ng internet-based messaging platforms para sa mga krimen tulad ng Viber at Messenger, at gumagamit din ng foreign sims.

"Fraudsters are a threat not only to individuals, all business enterprises, and government institutions. This problem demands solutions that are deliberate and decisive, and this can be achieved by more effective enforcement rather than by adding to the list of items to enforce," dagdag pa niya.

Ayon sa Philippine National Police, ang bilang ng cybercrimes ay tumaas ng 21.8% sa first quarter ng 2024, kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.

Iniulat ng American cybersecurity company Palo Alto Networks na ang Pilipinas ay nakaranas ng pinakamaraming cyberattacks sa Southeast Asian region noong 2023 kumpara sa mga karatig-bansa.

Sinabi ng DICT na mayroon lamang 200 Filipino cybersecurity experts kumpara sa 2,000 ng Singapore, dahil karamihan sa mga eksperto ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon sa National Association of Data Protection Officers of the Philippines, ang Pilipinas ay nangangailangan ng 180,000 cybersecurity professionals upang saklawin ang critical areas ng Philippine industries.

TECHNOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with