^

Bansa

2 barko na sangkot sa ‘paihi’ ng P20 milyong unmarked fuel, in-impound ng BOC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kostudiya na ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang fuel tankers matapos na kumpiskahin ng Customs Intelligence and Investigation Services-Manila International Container Port (CIIS-MICP) bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa ‘paihi,’ o ilegal na paglilipat ng langis sa Navotas Fish Port.

Ang naturang operasyon na isinagawa kama­kalawa ay nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng P20,350,000 halaga ng unmarked fuel, o highly dutiable petroleum pro­ducts, na walang proper fuel markings, indikasyong hindi ito nagbayad ng kinakailangang taxes and duties sa pamahalaan.

Kaugnay nito, binalaan ni BOC Commissioner Bien Rubio ang mga indibidwal o organisasyon na patuloy na nagsasagawa ng ilegal na operasyon at nananatiling sangkot sa paihi scheme.

Inihayag naman ni BOC-CIIS Director Verne Enciso kung paano nakatulong ang derogatory information na natanggap nila sa pagkakumpiska sa fuel tankers na may lamang 370,000 litro ng unmarked fuel.

Nabatid na ang MT Tritrust ay may lulang 330,000 litro habang ang MT Mega Ensoleilee naman ay may 40,000 litro sa tangke nito.

Nang dumating ang grupo sa lugar, nasaksihan umano mismo ng BOC agents ang nagaganap na illicit shipside fuel transfer.

Bilang karagdagan sa P20.35 milyong halaga ng unmarked fuel, ipinalagay ng grupo na ang halaga ng dalawang tanker ay nasa P245 milyon para sa MT Tritrust at P450 milyon para sa MT Mega Ensoleilee. Ang total value ng fuel at dalawang barko ay nasa P715,350,000.

Sinabi ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na kaagad na binantayan ng grupo ang mga barko matapos na bumagsak sa fuel marking test at nag-request ng intervention ng mas mataas na command upang tugunan ang anchorage issues sa Philippine Ports Authority (PPA).

Tiniyak ng BOC na ipagpapatuloy nila ang walang tigil na pagsusumikap na labanan ang lahat ng uri ng oil smuggling, kabilang na ang “paihi” modus.

ARRESTED

NAVOTAS FISH PORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with